Huwebes, Agosto 10, 2017



Umiwas sa scam
Ayon sa registered financial planner na si Fitz Villafuerte, mahalagang protektahan ang pera at umiwas sa mga scam.
“Pangunahing senyales na scam ang isang deal kung garantisado nilang babalik ang pera mo nang hindi ipinapaliwanag sa’yo ang risk. Lahat ng investment ay may risk, kapag zero risk, scam ‘yan.
Another thing, kapag sinasabi nilang babalik ang pera mo nang mabilis, scam din yan. Ang stock market, ang usual growth rate lang niyan ay 18-20% a year.”
Payo naman ni Randell Tiongson, manunulat ng librong “No Nonsense Personal Finance” at isang personal finance coach, “Kailangan may due diligence tayo, gawin natin ang ating assignment to verify kung credible ba ang mga kausap natin when it comes to money. Huwag tayo basta-basta maniniwala sa high-return, low risk."
Huwag umasa sa iba
Ayon din kay Villafuerte, magkaroon ka man ng sariling pamilya o hindi, hindi mo dapat asahan ang iba para sa iyong pagtanda.
“Your children are not your retirement plan, you are responsible for your own retirement. Iyan ang nagiging cycle sa Pilipinas. By the time we retire, ang mga anak natin ay may sarili na ring pamilya na kailangan ding gastusan. Magiging pabigat tayo.”
Si Tiongson, naniniwala ring hindi nakabubuti ang kultura ng pagiging dependent sa nakaaangat na kapamilya.

“Ika nga nila, when you have more money, you have more relatives. Kung ikaw ‘yung nakaaangat, ikaw pa ang may burden. Ikaw ang masipag, masinop at matipid, pero iba ang makikinabang dahil nasa iyo ang burden. Hindi tama ‘yan.”